Informant Na Magbibigay ng Leak sa Police Raid, May Pabuyang P50 mil—Drug Lord

Estimated read time 1 min read

 

 

CEBU CITY— Nakarating na sa kaalaman ng mga otoridad ang isang intelligence report na umano’y

magbibigay pabuyang Php 50 thousand pesos sa sinumang pulis na makakapag bigay ng leakage sa

mangyayaring raid sa droga.

 

taken from www.ejinsight.com
taken from www.ejinsight.com

 

Kaugnay nito, nagbigay na ng babala si PSSupt Clifford Gairanod, Police Director ng Cebu Provincial Office sa kanyang mga tauhan na walang patawad sa mga pulis na protector ng droga sa kanyang nasasakupang lugar.

Hawak na ng opisyal ang mga pangalan ng mga pulis na sangkot at protector ng droga sa kanyang bayan. Iniimbistigahan na rin ang mga ito.

Nabatid na ang druglord ay nakabase sa norteng bahagi ng Cebu.

Maliban sa Cebu kaliwa’t kanan na ang ginagawang operasyon laban sa droga sa iba’t ibang lugar sa bansa mula ng magpahahayag ni Pres. Rodrigo Duterte ng all out war vs. drugs.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 22, 2016

You May Also Like