Jessy Mendiola ipinakilala na ni Luis kay Mommy Vi.

Estimated read time 1 min read

 

 

 

Photo taken from Jessy Mendiola's Facebook page.
Photo taken from Jessy Mendiola’s Facebook page.

Hindi man magsalita, mukhang ipinakilala na ni Luis Manzano ang kanyang bagong GF na si Jessy Mendiola sa kanyang Mommy Vilma.

Ito ay matapos kumalat ang larawan na magkasama sina Jessy at Ate Vi.

Samantala, medyo sumakit ang loob ng sexy actress sa mga bashers sa social media lalo na sa mga fans ni Angel Locsin na tinatawag siyang “relationship wrecker”

Ipinagtanggol naman si Jessy ng kanyang mga fans na unfair naman daw ito sapagkat naging mag “on” sina Luis at Jessy noong panahong break na si Luis at si Angel.

Tinanong naman ng mga tsismosang reporter ang 23-year old actress kung “BF material” ba ang 35-year old na TV host na si Luis, sumagot naman si Jessy “husband material” siya.

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
July 22, 2016

You May Also Like