Magkahiwalay na Inauguration at panunumpa ninda Du30 at Leni naging matagumpay

Estimated read time 1 min read

 

Junio 30, naging matagumpay at napuno ng inspirasyon sa mga dumalo ang magkahiwalay na inagurasyon

at panunumpa nina President Rodrigo Roa Duterte at Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo,

 

 

Alas 12 ng tanghali, kasama ni Duterte ang kanyang gabinete, pamilya, malalapit na kaibigan at mga supporters nang manumpa sa Rizal Hall, Malacañang.

Nagpasalamat naman ang mga dumalo na hindi nagmura si Duterte at pino ito sa kanyang pananalita.

 

 

Samantala, alas 9 ng umaga, si Robredo naman ay nanumpa sa Quezon City Reception Hall kasama ang

tatlong anak na sina Trisha, Aika at Jillian.

 

Dumalo rin ang mga opisyal ng lungsod ng Naga sa pangunguna ni Mayor John Bongat, Vice Mayor Nelson Legacion kasama ang buong konseho ng lungsod, mga kaibigan at mga supporters.

Sinundan ito ng thanksgiving concert sa Quezon City Memorial circle. Dinaluhan ng mga supporters, mga artista at singer tulad nina Darren Espanto, Erik Santos, john Arcilla at iba pa.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 30, 2016

 

 

You May Also Like