Naudlot na Pagkikita Nina Du30 at Leni Inaasahang Matutuloy Pa Rin

Estimated read time 1 min read

 

 

“Sayang!” ito ang mga katagang binitawan ng mga supporters nina President Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa naudlot o hindi natuloy na pagkikita at pag uusap ng dalawa.

 

taken from www.facebook.com/LeniRobredoPH and www.facebook.com/PresidentRodyDuterteDU30
taken from www.facebook.com/LeniRobredoPH and www.facebook.com/PresidentRodyDuterteDU30

Ayon kay Christopher “Bong” Go, executive assistant ng pangulo payag na sana umano si Duterte na makipagpulong kay Leni subalit nagkataon na nasa ibang bansa ang bise presidente dahil sa imbitasyon ng pinoy community .

 

Magugunita rin na bago naman pumunta ng ibang bansa si Leni ay nag attempt siyang makipagpulong kay Duterte subalit mailap ang pagkakataon.

 

 

 

Magkaganoon pa man marami ang nagsabi na magandang simula ito sapagkat marami pang pagkakataon upang magkita ang dalawa.

 

Marami rin ang umaasang bibigyan ng cabinet post ni Duterte si Leni lalo pa’t marami ang nagsasabing asset si Leni sa pamahalaan.

Sina Duterte at Robredo ay kapwa abogado, parehong mahilig sa simpleng pamumuhay at walang arte sa pamumuno kaya dapat lamang na magkasundo sila para sa mga mamamayan.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 28, 2016

You May Also Like