PANGULONG P-NOY PINANGUNAHAN ANG PANGANGAMPANYA NG ROXAS- ROBREDO TANDEM

Estimated read time 2 min read

12669713_885619324889070_1051211083096029619_n

 

        Mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nanguna sa unang araw ng bugso ng 90 day campaign ng Roxas Robredo tandem sa Capiz City at Iloilo City, kasama ang mga senatoriables ng Liberal Party  (LP). Namukadkad ang kulay yellow sa lugar habang naglalakad sa kalsada ang grupo at nagsimulang mangampanya. Namigay ng mga campaign paraphernalias
        Ayon sa balo ng dating DILG Secretary Jesse Robredo ang gutom at kahirapan ng mamamayan lalo na yong sinasabing nasa laylayan ng lipunan o poorest of the poor ay bibigyan niya ng pansin. Bilang isang abogada ,sanay ng tumulong sa mahihirap si Leni Robredo kahit noon pa man ay nagbibigay siya ng free legal assistance sa mga mahihirap na walang pambayad sa magagaling na abogado. Ipagpapatuloy din niya ang nasimulang adhikain ng kanyang asawang si Jesse. Samantala ayon naman kay dating DILG Secretary Mar Roxas ay ipagpapatuloy niya ang daang matuwid at hindi siya magnanakaw di tulad ng ilang kumakandidato ngayon na may usapin pa sa pagnakaw sa kaban ng bayan .
       Samantala sa araw naman ng Biyernes at pupunta ang grupo ng LP kasama si P-noy sa lungsod ng Naga  Camarines Sur para naman sa kampanya. Hindi na rin bago  sa mga bikolano ang pabalik balik ni P-noy sa Naga  na nagsimula noong iuwi ang mga labi ni former secretary Jesse Robredo ng ma retrieve ang labi nito mula sa Masbate waters ng bumagsak ang eroplanong sinasakyan nito , nasundan ng death anniversary , Jesse Robredo day at iba. Pamilya naman kung ituring ni P-noy ang tatlong anak ni Vice presidentiable Leni Robredo na sina Trisha, Aika at Jillian.

 

(Myra Revilla – MCBN Asia News Bureau)

 

 

 

 

You May Also Like