Duterte’s pick-up car goes to Malacañang

Estimated read time 1 min read
Kilala sa pagiging  simple at hindi magarbo si incoming president Rodrigo Duterte kaya naman nagpasya ito na pick- up  pa rin ang gagamitin niya sa kanyang mga opisyal na lakad sa oras na umupo na  bilang pangulo ng bansa.
 
Wala siyang planong gamitin ang presidential car at hindi bibili ng mamahaling sasakyan.
13087573_10156863936310425_7889901556605333494_n
https://www.facebook.com/rodyduterte

 

Plano din ng pangulo na ibenta ang presidential yacht at ang perang malilikom ay ipagpapatayo niya ng malaking hospital para sa mga beterano at mula sa AFP at PNP.

Ang mga eropplano naman ng presidente ay gagawin niyang air ambulance. Dadagdagan ang sahod ng mga doktor upang hindi na mangibang bansa at dito na lamang magsilbi sa Pilipinas.

Simple rin ang kanyang gagawing panunumpa sa posisyon.

Samantala, marami ang nangangamba sapagkat pwedeng mapadali umano ang buhay ng pangulo kung hindi niya gagamitin ang presidential car na isang bullet –proof Benz na may license plate number 1.

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 16, 2016

You May Also Like