“Wala akong tampo kay Duterte” — Pastor Quiboloy

Estimated read time 2 min read

 

Photo Credit https://www.facebook.com/ApolloQuiboloy/photos/
Photo Credit https://www.facebook.com/ApolloQuiboloy/photos/

Nilinaw ni Pastor Apollo Quiboloy pinuno ng Kingdom of Jesus Christ na nakabase sa Davao na wala siyang tampo kan Duterte.

Ito ang pahayag ni Quiboloy matapos na ipahayag sa media ng kanyang tagapagsalita na si Mike Abe na may tampo umano si Quiboloy sa pangulo.

Ayon pa sa Pastor, alam niya na busy masyado si Duterte at busy rin umano siya .

Sabi ni Abe, nangyari umano ang pagtatampo ni Quiboloy nang minsang bumisita ito kay Duterte pero hindi niya nakausap ang presidente matapos na harangain umano ng mga security men ng pangulo. .

Isa pa umano sa pagtatampo ng pastor ay ang hindi pagkunsulta ni Dutetre sa pagpili ng mga magiging kasapi ng kanyang gabinete.

Marami din daw ang humihingi ng pabor kan Quiboloy para makalapit kay Duterte pero ayon sa kanya dumiretso na lang kung may kailangan sa pangulo.

Nakarating naman ang balita kay Duterte at sinabi nito na mas higit at mahalaga para sa kanya ang kapakanan ng sambayanan at pangalawa lang ang pagkakaibigan.

Ayon kay Duterte” My loyalty to my friends ends when my loyalty to my country begins”

Sina Duterte at Quiboloy ay matagal nang matalik na magkaibigan.

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 23, 2016

You May Also Like