“5 milyong piso pabuya ni Duterte , dinoble ng drug lord para kami itumba”– Bato de la Rosa

Estimated read time 1 min read

 

Isang intelligence report ang umano’y tinaggap ni Chief PNP Ronald “Bato” de la Rosa, incoming pnp chief na nagpulong umano ang mga drug lord sa Bilibid Prison at nagkaisa na doblehin ang 5 milyong piso na pabuya ni incoming President Rodrigo Duterte sa sinumang makakapatay ng drug lord.

 

Photo Credit:  www.ofwpinoystar.com www.pinoynewsonline.info
Photo Credit:
www.ofwpinoystar.com
www.pinoynewsonline.info

Ayon kay de la Rosa, gagawing 10 milyon pesos ang pabuyang inilaan sa sinumang makakapatay sa pangulo pati na sa kanya bilang pinuno ng kapulisan sa bansa.

Hindi naman natatakot si de la Rosa sa banta ng mga drug lord sa halip ay hinamon ang mga ito na ipakita ang kayabangan.

Nagbabala pa si de la Rosa na hindi sila nagbibiro ng pangulo sa kanilang mga pahayag laban sa mga drug lord na pulbusin ang kanilang hanay.

Nagbabala pa si de la rosa na hindi na uubra ang gawain ng mga drug lord na umano’y binabayaran ang mga pulis, huwes, fiscal at iba pang kinauukulan para lamang makalusot sa ilegal na gawain ng mga ito .

 

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 8, 2016

You May Also Like