Tungkol sa live-in rumor “I’m not gonna confirm and I’m not gonna deny”—Nadine Lustre

Estimated read time 2 min read

 

 

Hindi pa rin tinitigilan ng mga showbiz reporter si Nadine Lustre tungkol sa live-in rumor sa kanyang

on and off  screen boyfriend na si James Reid.

 

Sa interview ng ABS CBN sa young actress, tahasang tinanong kung totoo o hindi ang live in rumor ng dalawa.

 

Sinabi ni Nadine “I mean if it was true, so what? Hindi ba? It’s not new anymore. There are younger couples mas young pa sa akin. It’s normal eh. C’mon guys, it’s 2017!”

 

Kinulit uli ng ABS CBN reporter kung totoong nag li live in na sila ni James. Prangkang sinabi ni Nadine “I’m not gonna confirm and I’m not gonna deny. But then like, ano naman? “

 

Sa katanungan kung ano ang payo ni Nadine sa mga younger fans niya. Sabi ng dalaga “Let’s all just be open minded.”

 

Sa interview naman ng Philstar Global kay Nadine “Hindi mo naman ma please lahat as for me naman, hindi naman ako nag fi filter ng isasagot ko kasi bakit naman ako magsisinungaling”

 

“Kasi kami naman ni James, as mush as possible hindi kami nagtatago kung ano naman ang nangyayari sa amin. But then syempre yong ibang nangyayari sa amin hindi naman kailangang i broadcast. Para sa amin na lang po yon.”

 

Samantala intriga lang ang balita na nag pullout na ang mga kompaniya para kuning endorser si Nadine. Nakaugnay ng Pinoyradio.com ang isang kompanya at sinabing “sa katunayan ay may mga planong renewal ng kontrata sa dalaga”.

 

Tuloy tuloy din ang endorsement ni Nadine sa iba’t ibang produkto tulad ng fast food chain, sanitary napkin, detergent at iba pa.

 

Sa ngayon ay enjoy si Nadine at si James sa kanilang hosting sa It’s Showtime sa ABS CBN.

 

Pinasalamatan naman ni Nadine ang mga co host nila ni James sa show lalo na sa guidance na ibinibigay sa kanila. Kasama nila sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Jhong Hilario at iba pa.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 22, 2017

You May Also Like