Mga Bagong Batas, planong Ipatupad ni Duterte

Estimated read time 2 min read

 

12038415_902056499880279_2768983080320519860_n
Photo Credit: https://www.facebook.com/dutertecayetano/photos

Kaugnay ng ipapatupad na curfew for minor, ipapa aresto ni incoming president Rodrigo Duterte ang sinumang magulang na magpapabaya sa kanilang mga minor de edad na anak at hinahayaang gumala kahit disoras na ng gabi.

 

Ayon kay Duterte, uutusan niya ang mga punong barangay upang utusan din ang pulis na hanapin ang magulang at kasuhan ng abandonment. .

Siniguro naman ni Duterte na i papakulong niya ng ilang oras ang ang mga magulang.

 

 

Nauna nang sinabi ni Duterte na sa kanyang pag upo ay ipapatupad niya ang curfew for minor, bawal na ang mga minor de edad na may gulang na 17 anyos pababa na gumala sa labas ng bahay mula alas 10 ng gabi hanggang alas 6 ng umaga..Pati na ang liquor ban ay ipapatupad din ng pangulo.

 

13227943_991886287563896_691099996_n
Photo Credit : adobochronicles.com

Samantala, ayon pa kay Duterte. bawal na rin ang malalakas na kantahan sa kabahayan at hanggang alas 10 lang ng gabi. Sa mga videoke bar naman ay hanggang ala una lang ng madaling araw. Sabi nga sa kanta “the end is near“ dapat ay ltigil na ang kantahan para hindi makaistorbo sa mga namamayan.

 

 

 

13225115_991885444230647_7127750_o
photo credit : https://en.wikipedia.org/wiki/Smoking_ban

 

Bawal din ang manigarilyo sa mga pampublikong lugar. Ang uri ng pamumuno ni Duterte sa Davao ay gusto niyang gawin sa buong Pilipinas..

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 16, 2016

You May Also Like