100% Attendance sheet, Goal ni Pacman sa kanyang New Career

Estimated read time 2 min read

 

Plano at gagawin ni Sen. Manny Pacquiao ang 100% attendance sa Senado.

Photo Credit: www.facebook.com/MannyPacquiao
Photo Credit: www.facebook.com/MannyPacquiao

Babawi daw siya sa mga panahong lagi siyang absent sa kongreso noon. Hindi raw niya sasayangin ang milyon milyong boto ng kanyang mga supporters.

Ito ang dahilan kung bakit nag retiro na siya sa pag bo boksing at hindi tinanggap ang offer para maglaro sa Rio Olympics.

Sa mga nagtanong na baka mahirapan si Manny sa pagiging senador, sagot nito “I can memorize biblical verses it won’t be difficult at all to do it”

Sagot ito ni Pacman sa mga pumupuna sa kanya na hindi siya bagay maging senador dahil mahihirapan lang siya lalo pa’t mabibigat ang kanyang mga kasamahang senador sa paggawa ng batas.
Ayon kay Manny “I will learn the ropes of the job”

Si Pacman ay nakapanayam ng mga reporters ng maglaro ng basketball sa Almendras’ gym kalaro nina Sen. Alan Peter Cayetano, Christopher Go assistant ni Duterte at iba pang personalidad.

Ayon kay Pacman masaya siya sa buhay niya ngayong retire na siya. Ang kanyang focus ngayon ay makakuha ng gintong medalya hindi sa boksing kundi ang 100% attendance sheet sa senado.

 

 

13342478_1095834747105215_1399545250_n (2)

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 1, 2016

You May Also Like