Mayor ng Albuera Leyte, sumuko na matapos bigyan ng 24 oras na taning ni DU30

Estimated read time 1 min read

13886936_1174991555903286_954525508358383881_nSumuko na kay Police Dir. Gen. Ronald “Bato” de la Rosa si Mayor Rolando Espinosa, Sr. ng Abuera, Leyte matapos pangalanan ni Pres. Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal drug trade.

Nagbigay ng 24 oras na ultimatum ang pangulo upang sumuko ito kasama ang anak na si Kerwin Espinosa.
Isang order to “shoot on sight” sa mag ama kung hindi sumuko ang mga ito.

 

Subalit araw ng Martes tanging si Mayor Espinosa lamang ang sumuko kay De la Rosa.
Nanawagan naman si De la Rosa kay Kerwin “surrender or die”.

Samantala, inihayag ni Mayor Espinosa na hindi siya sangkot sa droga matagal na din umano na pinagsasabihan niya ang kanyang anak na tumigil na sa masamang gawain subalit hindi siya pinapakinggan nito.

Samantala, sa susunod na mga araw ay papangalanan ni Duterte ang iba pang mga alcalde na sangkot sa droga.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 2, 2016

You May Also Like