Babaeng naghahanap ng “white doctor” para magbigay lunas sa anak viral sa social media.

Estimated read time 2 min read
 
Umaabot na ng 54,862 shares and still counting ang isang video na nakunan ni Hitesh Bhardwaj, isang immigrant. Ni record niya ang insidente habang naghihintay ng kanyang appointment sa Rapid Access to Medical Specialists, isang walk-in clinic sa Mississauga, Ont.
Nagbigay din siya ng kopya ng video sa CBC News. Ayon kay Hitesh bilang isang immigrant proud siya na tumira sa Canada, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita at na upset siya.
“This is bad, this is inappropriate and shouldn’t go unnoticed”
Sa video makikita ang isang babae na paulit ulit na naghahanap ng isang “white doctor” who “doesn’t have brown teeth that speaks English” para bigyan ng lunas ang kanyang anak na lalaki na nakaramdam umano ng chest pain.
Nang sabihin ng staff ng clinic na walang ganoong doctor ay agad nagalit ang babae ay nagsabing “being white in this country, I should have shoot myself”
“I saw a doctor that was not white that did not help my kid. I would like to see a white doctor. You’re telling me there isn’t any white doctor in this entire building?”
Maraming witness ang nagalit sa inasal ng babae, “bakit kailangan bang white doctor lang ang magaling? Ang babae ay “extremely rude and racist”
Samantala ayon kay Cheryl Teelucksingh, isang sociology professor sa Ryerson University, ang insidenteng ito ay isang halimbawa ng “everyday racism that is beginning to resurface in Canada”. Ayon sa professor naniniwala ang iba na impluwensya ito ng pagkakapanalo US Pres Donald Trump.
Subalit dagdag ng sociologist, may mas malalim na factor dito, ang perceived multiculturalism, ang paniniwala ng ibang Canadians na ang racial minorities are already treated equally across the country.
Ang mga non-white professionals ay mas lalong ipakikita ang kanilang credentials at patutunayang bahagi sila ng Canada. May karapatang mag practice ng kanilang profession kahit immigrant sila.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 22, 2017

You May Also Like