Dahil sa selos Melason hiwalay na

Estimated read time 1 min read

 

Walang forever para kina Jason Francisco at Melai Cantiveros sikat sa loveteam na MELASON

from youtube.com
from youtube.com

Nabuo ang love story ng dalawa sa loob ng Pinoy Big Brother House hanggang sa maging mag syota ang dalawa at nabuntis si Melai at nagpakasal.

Nagsimula ang lahat ng makiusap si Jason na sa teleseryeng “We will Survive” ay walang kapareha si Melai.

Nagseselos daw kasi si Jason na may ibang humahawak o may humahalik na iba sa kanyang asawa dahil mahal na mahal niya ito.

Subalit hindi naman tumupad sa usapan at itinago pa raw ni Melai na may ka love team sya sa teleserye si Carlo Aquino.

Hanggang sa lagi na silang nag aaway at sa kabilang kwarto na natutulog si Jason.

Marami naman ang nanghinayang sapagkat tatlong taon pa lang ang kasal ng dalawa at nagbunga ng isang 2-year old na anak.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
July 28, 2016

 

You May Also Like