Duterte saksi sa pagdurog ng 20ng luxury cars na nagkakahalaga ng P61.6 million

Estimated read time 1 min read

 

Naging saksi at pinangunahan ni Presidente Rodrigo Duterte ang pagdurog ng 20ng smuggled cars sa Bureau of Customs (BOC) noong Martes.

 

 

Sa pamamagitan ng pison dinurog ang 20ng high end vehicles at mga branded models tulad ng Lexus, BMW, Mercedes Benz, Audi, Jaguar, and Corvette Stingray na nagkakahalaga ng P61.6 million

 

Samantala aabutin din sa 10ng mga luxury cars ang dinurog sa Cebu at Davao ports.

 

Magugunita na sinabi ni Duterte na ang destruction sa mga luxury cars na ito ay magsisilbing babala sa mga mayayamang car enthusiasts na hindi nagbabayad ng tamang import tax.

 

Sinabi ni BOC Commissioner Isidro Lapeña na gugustuhin nilang sirain ang mga sasakyan kesa idaan sa auction dahil ayon kay Duterte ang mga smugglers din ang bumibili sa mga sasakyan.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
Feb 6, 2018

 

 

You May Also Like