DUTERTE UMAMING HINIPUAN NIYA ANG KANILANG KASAMBAHAY NOONG SIYA AY TEEN AGER PA LANG

Estimated read time 1 min read

 

 

 

 

MCBN News

January 4, 2019

 

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na noong siya ay teen ager pa lamang at nasa high school ay hinipuan niya ang kanilang kasambahay habang ito ay natutulog. Inalis niya ang kumot at hiniuan subalit nagising aniya ang kasambahay kaya umalis na siya ng kwarto.

 

Maraming grupo ng kababaihan ang hindi nagustuhan ang pahayag ng pangulo. Ang kanyang ginawa aniya ay attempted rape at sexual abuse.

 

Magugunita na hindi lang ito ang umang pagkakaton na nagkwento at nagbiro ang pangulo tulad ng rape jokes at pambababae.

 

Sa kaniyang huling statement ay inulit niya ang kanyang karanasan sa isang pari na kung saan hinipuan aniya siya ng isang pari noong nasa high school pa lang siya.

 

 

Samantala sinagot ni Presidential Spokesperson Sal Panelo ang sinabi ng pangulo

 

Ayon kay Panelo “the president had made up, added and spliced the story. He had made up a laughable anecdote to dramatize the fact of sexual abuse that was inflicted of him and his fellow students when they were in high school.”

 

Sinabi ito ng pangulo para banatan ang simbahan katolika na gumagawa aniya ng sexual abuse sa mga bata.

You May Also Like