Huling Flag Ceremony ni Duterte Bilang Mayor ng Davao Napuno ng Tawanan.

Estimated read time 1 min read

Napuno ng tawanan ang huling araw ng Lunes, June 27 sa pag attend ng Flag Ceremony ni President-elect Rodrigo Duterte bilang mayor ng Davao.

 

taken from osomnimedia.com
taken from osomnimedia.com

Kung dati rati ay hindi nag aatend ng flag ceremony si Duterte pero maaga siya para mag attend.
Pinatawa ni Duterte ang kanyang mga kasamahan sa pamamagitan ng pagbibiro subalit makatotohanang mga salita.

Ayon sa pangulo tatlong bagay ang magaganap sa kanyang buhay sa oras na umupo na siya bilang pangulo.
Una, ang labis na pagkalungkot sapagkat hindi na tulad ng dati na malalapitan siya ng ordinaryong mamamayan.

Pagbabawalan na siya ng PSG dahil sa security reasons. Baka daw patayin siya ng lalapit sa kanya.
Pangalawa, ang inilaang Mercedes Benz para sa pangulo ay hindi niya gagamitin sapagkat ito ay may “jinx”

Ayon kay Duterte. “I will not ride in the Mercedes Benz, all those who rode that were either impeached or imprisoned”

At ang pangatlo ayaw niya ng corruption. Kun mayroon umanong cabinet member na masasangkot sa corruption ay kanyang bubulungan na umalis sa posisyon dahil hindi niya tutulungan.

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 27, 2016

You May Also Like