Huwag nyo kong tawaging “Your Excellency” tawagin nyo kong “Presidente”—Du30

Estimated read time 1 min read

 

 

13690623_1735648326693289_2487305585602591336_n
photo from www.facebook.com/PresidentRodyDuterteDU30/

Huwag nyo kong tawaging “Your Excellency”, tawagin nyo kong “Presidente”. Ito ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Lahat umano ng mga kumunikasyon sa kanya ay ayaw niyang makita na ganito ang address sa kanya .

Nagbigay din ng kautusan ang pangulo na huwag nilang tatawaging “Honorable” ang mga cabinet secretary kundi simpleng “Secretary” lang ang itawag sa kanila.

Samantala, pinaghahandaan na ng pangulo ang kanyang State of the Nation Address (SONA) sa susunod na linggo. Magiging simpleng simple lang ang lahat. Aabot sa 800 katao lang ang dadalo.

Samantala, nanawagan naman ang pangulo na dapat ay simpleng suot lamang ang magiging “attire” ng mga dadalo.

Hindi welcome sa okasyon ang nakasuot ng gown at mamahaling damit at alahas.

Hindi tulad ng mga naunang SONA ng ibang pangulo na nag mukhang “fashion show” ang okasyon.

Pati na ang mga ihahandang pagkain ay simpleng meryenda at mga native foods lang. Huwag nang umasa na may mag se serve sa bawat mesa sapagkat ito ay “buffet” meryenda lamang.

Kaya ang 800 na mga bisita ay inaasahang pila pila sa meryenda.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
July 21, 2016

You May Also Like