Imbistigasyon kay Comelec Chairman Bautista sinimulan na ng Ombudsman

Estimated read time 1 min read

 

 

Sinimulan na ng Ombusdman ang fact finding investigation kay Comelec Chairman Andres

Bautista kaugnay ng pasabog ng kanyang asawang si Patricia na diumano’y hindi ito nag

declare ng tunay na Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) .

 

 

Araw ng Biyernes nagpadala na ng summon ang Ombudsman kay Patricia.

 

 

Kaugnay nito ang NBI ay nagsimula na ring mag imbistiga sa pahayag ni Patricia na may P1 billion unexplained wealth si Chairman Andres.

 

Samantala ang impeachment complaint kay Bautista ay nakatakdang dinggin ng House Justice Committee.

 

Papatunayan naman umano ni Chairman Bautista na kasinungalingan lahat ang pahayag ng kanyang dating maybahay.

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
September 19, 2017

You May Also Like