Ina ni Charice aka Jake Zyrus umalma sa portrayal ng anak sa MMK

Estimated read time 2 min read

 

 

 

 

 

 

Umalma si Mrs. Raquel Pempengco, ina ni Charice aka Jake Zyrus sa pagsasadula ng talambuhay nito sa ABS CBN long running

show, ang Maalaala Mo Kaya (MMK) noong Sabado na kung saan si Ms Charo Santos ang host.

 

Image may contain: 3 peopleSa portrayal kasi sa show ay ipinakita ang painful life ni Charice noong kanyang kabataan at sikat na sikat pa sa mga international shows at guestings. Subalit sa likod nito, siya ay isang abused child physically and emotionally by her mother na ang gumanap naman ay si Ms. Dina Bonnevie.

 

Sa kanyang post sa FB page sinabi ni Mommy Raquel” Hangad ko na sa paglalabas mo ng sama ng loob mo in public nat’l tv eh maging maluwag na sa dibdib mo ang lahat. Patawarin mo ako kung iyon ang naramdaman mo. Pero isa lang ang totoo para sa akin, ang maghangad kung ano ang ikabubuti niyo.Pero kung dahil sa akin ay naliligaw kayo isa lang pakiusap ko kalimutan nio na naging ina ninyo ako. Patawad. mahal na mahal ko kayong magkapatid “

 

Isa pang post sa kanyang FB sinabi ni Mommy Raquel “Lilipas din ang lahat pero ang kirot nasa puso ko at mananatlii yan sa puso ko”

 

“Hndi ko inaasahan na sa pagpapalit mo ng pangalan pati ugali mo pinalitan mo na rin.”

 

 

Image may contain: 1 person, closeup

Si Jake Zyrus ngayon ay masaya sa nangyayari sa buhay nya at sa paglantad ng tunay niyang pagkatao.

 

Unti unti na rin siyang nagiging boses lalaki at kung manamit ay lalaki na talaga, tumutubo na rin ang kanyang bigote bilang transman.

 

Naglaho na nga ang batang si Charice na effortless kung bumirit.

 

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
September 1, 2017

You May Also Like