Isa na namang opisyal sibak kay Du30

Estimated read time 1 min read

 

Image result for Maia Chiara Halmen Reina ValdezKinumpirma ni Agriculture Sec Manny Piñol na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Undersecretary (USEC) Maia Chiara Halmen Reina Valdez mula sa tanggapan ng cabinet secretary.

Ayon kay Piñol ito ay may kaugnayan sa rice importation issue at nakaaway pa umano ni Valdez si NFA Administrator Jason Aquino.

Walang anumang memo sinibak ni Duterte si Valdez sa pamamagitan ng tawag sa telepono matapos na lumapag ang sinasakyang chopper sa bayan ng Talavera para dumalo sa isang agriculture event.

Ayon sa pangulo “Papunta ako dito, pa landing ako dito sabi ko, tawagan mo ang Malacañang. She’s fired, so pangalawa siya”

Ayon kay Duterte magpapatuloy siya sa pagsibak sa kanyang mga opisyal kahit na ito ay mga alegasyon o paratang lang.

“I will continue to fire people the first whiff, maamoy ko lang, maski na hindi totoo your’e out. Hindi naman kasi mag ge generate ng lose talks yan eh .

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
April 5, 2017

You May Also Like