Liza Soberano #1 sa “100 Most Beautiful Faces of 2017”

Estimated read time 2 min read

 

 

 

Image may contain: 1 person, closeup

Pinatunayan ng kapamilya actress Liza Soberano na ang Filipina beauty ay namamayagpag pagdating sa kagandahan.

 

Si Soberano ay nasa number slot ng “The 100 Most Beautiful Faces 2017” na ni release ng Independent Critics, sa pangunguna ng film critic na TC Candler na ipinakita sa YouTube video noong Lunes. Soberano bested 90,000 female celebrities from around the world.

 

Ito rin ang unang pagkakataon na isang Filipina ang napili sa buong mundo mula ng ilunsad ito noong 1990.

 

Dati si Liza ay pangalawa lamang sa English model /actress na si Jourdan Dunn.

 

Maliban kay Liza nakasama rin ang ilang Filipina celebrities sa listahan tulad nina Kim Domingo, na nasa 98th spot; Nadine Lustre who was placed 78th, at si Kathryn Bernardo in 60th place na kung saan pangatlong beses na ito ni Kathryn sa listahan.

 

Nagpalabas din ang Independent Critics ng listahan ng “The 100 Most Handsome Faces of 2017” na kung saan nakasama ang ang actor na si James Reid sa 4th place, ka loveteam ni Liza na si Enrique Gil na nasa 61st place at model/actor Daniel Matsunaga sa 88th place.

 

Sa website ng Independent Critics, may mga binasehan sa pagpili ng mga winners. Kasama rito ang “grace, elegance, originality, daring, passion, class, poise, joy, promise at hope”

 

Aabot naman sa 40 countries ang nilibot ng grupo para hanapin ang mga may magagandang mukha sa buong mundo.

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
December 30, 2017

You May Also Like