Ang kwento sa “TANIM BALA sa NAIA”
Posted by Jeepney Pinoy TV on Friday, October 30, 2015
Sinasabing “Open-Secret” na daw ang modus “Tanim-Bala” sa ating paliparan “NAIA”, kung saan dumadaan lahat
ng papasok at papalabas ng bansa. Kung ilalagay sa lifestyle check ang mga nasabing empleyado ng NAIA, di naman
daw kataasan ang sweldo pero mayroong mga malalaking bahay, mga anak nasa pribadong paaralan at unibersidad,
at nakakapag-foreign travel pa raw ang buong pamilya. Pumapatak sa halos 20 ang average tanim-bala noon pa man.
Sumasangayon ang nakakarami sa sinabi ni Rep. Romeo Acop na dapat natin labanan ang organized crime
na Tanim-Bala.
Common sense lang naman di po ba?…aanhin mo ang isang bala sa iyong bagahe?
Kaya tayo na mismo ang kumilos para maprotektahan natin mga sarili natin.
Heto and ilan sa mga ginawa ng ating mga kababayan para makaiwas sa tanim-bala:
Kung sakali at mabiktima kayo ng laglag bala, ganito po ang gagawin ninyo:
1. Kapag pinabuksan ang bagahe, huwag pumayag. Hingin muna na iharap ang mga airport police at tumawag ka ng lawyer or kamag-anak na agaran makakapag dala ng abogado or tagapag tanggol sa iyo habang nasa NAIA , huwag na huwag kang papayag na ikaw mismo ang magbubukas ng bag.
2. Kapag may witness na, yung officers ang pakuhanin ng bala. Bakit? Dahil sa fingerprint.
Kung hindi talaga sa iyo yung bala, walang fingerprint mo na makukuha sa tela na pinaglagyan or sa bala mismo.
3. Saka mo sila hamunin ng fingerprinting sa harap kamo ng mga pulis at lawyer mo.
4. Kapag walang fingerprint mo na nakita sa result, balikan mo sila ng asunto + bayad sa abala, gastos at oras na nawala sa iyo. Sila rin ang dapat magpapa book ng flight mo.
Mas maging maingat po.Huwag maging biktima.
Credit: PEBA, Inc