Mataas na Net Satisfaction Survey Result kay Duterte sa first 100 days umabot ng 64% (very good)

Estimated read time 1 min read

 

 

Kahit na nga laging may kontrobersiya si Presidente Rodrigo Duterte sa kanyang mga pananalita mataas pa rin ang net satisfaction survey result ng pangulo na umabot ng 64 %

 

 

Ayon sa pinaka unang survey na isinagawa ng Social Weather Station sa pamamagitan ng Businessworld noong Sept 24-27, 2016 umabot ng 64% o ”very good” ang resulta ng survey.

Ang resulta ang ikalawa sa pinakamataas among the post-EDSA survey for presidents.

Narito ang resulta ng mga survey sa mga naging pangulo ng bansa .

Benigno Aquino -60 %, Joseph Estrada- 60%, Cory Aquino -53 %, Fidel Ramos -66%, Gloria arroyo -24 %,

Si President Rodrigo Duterte ay halos mataas ang survey sa lahat ng sulok ng bansa, 62% sa Visayas, 58% sa Metro Manila at 57 % sa Luzon.

Samantala isang separadong survey noong June 24-27, 2016 ang isinagawa ng SWS survey na nagpapakita ng 79% trust rating o “excellent “ para sa pangulo

Isa pang major survey organization ang nagsagawa ng survey noong July 2-8, 2016. Nagpapakita ang resulta ng survey ng 91 % trust rating para kay Duterte

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
October 6, 2016

You May Also Like