Matapos magbigay komentaryo sa kanyang rape joke, anak ni Clinton binanatan ni Duterte

Estimated read time 2 min read

 

 

 

MANILA—- Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chelsea Clinton anak ni dating US President Bill Clinton matapos na magbigay komentaryo sa rape joke ng pangulo.

Magugunita na sa talumpati ni Duterte sa mga sundalo sa Mindanao sinabi nito na aakuin niya ang responsibilidad kahit mang rape pa ang mga sundalo sa umiiral na Martial Law sa Mindanao .

Hindi ito nagustuhan ni Chelsea Clinton kaya sa kanyang tweet ay sinabi niya na ang rape joke ni Duterte ay “Not Funny Ever”

Sa labis na galit ay rumesbak ang pangulo kay Chelsea at sinabi nitong “epokrita” ang anak ni Clinton. Sinambit din ng pangulo ang relasyon ng ama niyang si Bill Clinton kay Monica Lewinsky.

“kaya kayong mga Amerikano, si Chelsea, be careful because you live in a glass house”

 

Sa kanyang speech sa Davao City tinanong nito si Chelsea, “When President Clinton was f***** Lewinsky, what was your statement or reaction?”
Ayon kay Duterte siya umano ay naging “sarcastic” lang nang kanyang sabihin ang rape joke sa harapan ng mga sundalo para ipahayag ang kanyang buong suporta sa mga ito na napapalaban sa mga terorista sa Marawi City.

 
Sa kanyang talumpati ay sinabi rin niya ang kaso ng transgender na si Jennifer Laude na pinatay ng US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay Duterte, “You didn’t have to kill the transgender, sana sinipa na lang”

 

 

Myra Revilla
MCBN Correspondent 
May 31. 2017

 

 

You May Also Like