
Ayon kay Anna De Villa –Singson ng PPCRV , tungkulin nila na ipalabas ang impormasyon para sa transparency
Magugunita na inihayag ni Jonathan de la Cruz, campaign adviser ni Marcos na may kalituhan sa mga pumapasok na mga tally mula sa ppcrv at omelec sapagkat bumaba ang boto ng isa sa kanilang kasamahang kandidato
Lumabas sa pagsisisyasat na may typographical error sa pagpalabas ng impormasyon mula sa isang media outlet at hindi na iyon kasalanan ng Comelec at PPCRV .
Sa mga media outlet naman dapat umanong maging maingat sa pagkuha ng figures ng resulta ng boto bago ibalita.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 11, 2016