Planong Shabu Lab sa Bansa, Huli ng NBI

Estimated read time 1 min read

Dahil sa tip ng Chinese Intelligence, arestado ng NBI Anti Illegal Drugs Division ang pitong Chinese National sa isang condo unit sa Binondo Manila.

photo credit: wikipedia
photo credit: wikipedia

Ayon sa mga otoridad, planong magtayo ang mga dayuhan ng isang kitchen -type shabu lab sa bansa.

Nahuli ang aabutin sa 100 grams na shabu na naka repack sa lalagyan ng tsaa, tuyong shabu sa palanggana, mga capsule at tableta na ipapasuri sa chemist.

Na confiscate din sa grupo ang mga baril at patalim. Napag alaman pa na ang mga ito ay sangkot din sa gunrunning, gun for hire at kidnapping.

Kakasuhan ang mga ito ng paglabag sa R.A. # 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Samantala, huli din ang isang tulak ng droga na kinilalang si Johnny Santos Estrella ng Bulacan.
Nakuha sa kanya ang colored shabu na kulay green at blue.

Inamin ng suspect ang krimen at sinabi pa niya na ipinapaubos na lamang niya ang kanyang stock bago umupo sa pwesto si incoming president Rodrigo Duterte bilang pangulo.

Ayon sa kanya takot umano siya sa death penalty at shoot to kill order ni Duterte. .

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 19, 2016

You May Also Like