Sa wakas, Pres. Rody at VP Leni nagkita na

Estimated read time 1 min read

 

 

 

photo taken from Phil Star
photo taken from Phil Star

Sa unang pagkakataon nagkita na rin sa wakas sina President Rody Duterte at VP Leni Robredo

 

Ang dalawa ay nagkamayan pa sa stage matapos na maging bisita sa change of command ceremony ng Armed Forces of the Phils. (AFP) noong Biyernes.

 

Si outgoing AFP Chief Glorioso Miranda ay nakaupo naman sa gitna nina Duterte at Robredo .

Ang pagkikita ng dalawa ay inaasahang masusundan pa.

Marami naman ang natuwa sapagkat sa wakas nagkita na ang “promdi” president at ang advocate ng mga nasa “laylayan ng lipunan.”

 

Sa speech ni President Rody, unang binati nito si VP Leni na ngayon lang daw niya nakita sa unang pagkakataon.

Samantala, ayon naman kay VP Leni, humingi siya ng pagkakataon para pormal silang magkausap at positibo naman ang sagot ng pangulo.

Naniniwala si VP Leni na ito na ang simula ng magandang samahan nila ni President Rody.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
July 2, 2016

You May Also Like