Mamahaling Sasakyan Ipagbabawal ng Duterte Administration

Estimated read time 1 min read
bmw-520d-used-main
Photo Credit: www.topgear.com.ph

Ipinahayag ni Bong Go, executive assistant ni incoming president Rodrigo Duterte na ipagbabawal na ang paggamit ng mga mamahaling sasakyan o luxury cars ng mga opisyal ng pamahalaan .

Plano umano ng uupong pangulo na magtipid lalo na sa paggamit ng mga mamahaling sasakyan tulad ng Benz, BMW at iba pa .

Sa Davao City ang mga opisyal ng pamahalaan ay gumagamit lamang ng mga murang sasakyan tulad ng Crosswind at Avanza.

Si Duterte ay laging nakikita sa Davao na nakasakay lamang sa isang Isuzu pick-up. Subalit kung siya ay umupo na sa Malacañang bilang pangulo nakalaan sa kanya ang presidential car, ito ay isang kulay itim, bullet- proof Mercedes Benz na may license plate number 1.

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 12, 2016

You May Also Like