Kung Mananalo bilang Bise Presidente, Leni Robredo Dahan dahang Didistansya sa LP

Estimated read time 1 min read

Dahan dahang didistansya sa Liberal Party LP si Vice Presidential runner Leni Robredo kung tuluyan na ngang sya ang mananalo bilang bise presidente .13173144_944266145691054_3637249254734289065_o

Si Robredo na kilala bilang advocate ng transparent at honest governance tulad ng kanyang nasirang asawang si former DILG Sec. Jesse Robredo.

Kaya sa halip na dumikit sa mga beteranong pulitiko ng LP, minabuti niyang piliin na makisama sa mga kabataang kasapi ng administrasyon tulad nina Sen. Bam Aquino ang kanyang campaign manager at Cong. Jorge Banal, mambabatas ng Quezon City.

Tulad ng kanyang asawang si Jesse ang dalawang mambabatas ay kapwa kasapi ng Kaya Natin movement.
Samantala, kinumpirma ni Robredo na all-out support siya kay incoming president Rodrigo Duterte.

Naunang pinabulaanan ni Robredo na isusulong ng administrasyon ang impeachment kay DU30, ito umano ay isang paninira sa kanya ng mga kalaban.

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 12, 2016

You May Also Like