LABAN KAY MAYWEATHER IPAPAUBAYA NA LANG NI PACMAN SA KANYANG PROMOTER

Estimated read time 1 min read

 

 

 

Sports News
January 23, 2019

 

 

Ipinahayag ni Senator Manny Pacquiao na ipauubaya na lang niya sa kanyang promoter ang desisyon sa kung sino ang sunod niyang makakalaban matapos talunin si Adrien Broner.

 

Kapag may napili na aniya silang makakalaban ay agad ipapaalam ito ni Pacman sa kanyang mga fans.

 

Kaugnay nito hindi naman aniya niya mapipilit si Floyd Mayweather na harapin siya sa isang rematch.

 

Samantala aabutin sa limang araw ang pagpapagaling ng pambansang kamao sa kanyang kaliwang mata, matapos itong magasgasan noong laban nila ni Broner. Hindi naman dapat mangamba dahil mallit na galos lang naman ang nangyari sa cornea ni Pacman.

 

Pagkatapos ng laban ay agad naman ginamot ang mata ni Pacman ng kanyang personal doctor na si Dr. Regina Bagsic.

 

Ang 8-division world champ ay lumipad na papuntang Maynila noong Huwebes .

You May Also Like