MATAPOS ARESTUHIN DAHIL SA KASONG RAPE, CHRIS BROWN, NAKALAYA NA

Estimated read time 1 min read

 

 

 

 

Showbiz News
January 23, 2019
Wednesday

 

 

Matapos arestuhin dahil sa umano’y panggagahasa, pinalaya na ng French prosecutors ang singer

na si Chris Brown kasama ang dalawang bodyguards nito.

 

 

Image may contain: 1 person, sitting

 

Subalit tiniyak ng Paris Prosecutor’s Office, na hindi pa nila tuluyang isinasara

ang reklamo laban kay Brown.

 

Rumesbak naman si Brown sa babaeng nag akusa sa kanya.

Sinungaling daw ito at walang katotohanan ang bintang laban sa kanya.

 

Isa aniya itong paninira laban sa kanya at parang nabastos ang kaniyang anak

na babae pati na ang buong pamilya.

 

Ayon sa salaysay ng nagreklamong biktima, nakilala niya ang singer sa isang club

noong Enero 15.  Nangyari ang panggagahasa nang dalhin siya ni Brown sa isang hotel.

 

Samantala, magugunita na noong 2009 ay inirekalmo rin si Brown ng

pananakit o assault ng dating kasintahang si Rihanna.

You May Also Like