“Mga drug lord, humanda kayo, babanggain ko kayo” —Bagong Pnp Chief

Estimated read time 2 min read

13250561_994006614018530_524370035_n

Ito ang babala ni Chief Supt Ronald “Bato” de la Rosa, uupo bilang bagong hepe ng kapulisan sa bansa sa oras na umupo na si incoming president Rodrigo Duterte

Mismong si Christopher “Bong” Go, executive assistant ni Duterte ang nagkumpirma sa media na si De la Rosa ang pinili ni Duterte na pumalit kay Chief Pnp Ricardo Marquez na mag susumite ng resignation sa Junio 30 bago umupo si Duterte

Ayon kay de la Rosa, lilinisin din niya ang hanay ng pulisya. Binabayaran umano ng pamahalaan ang mga pulis para manghuli ng mga drug lord subalit binabayaran naman ng mga drug lord ang mga ito para maging protector. Puputulin na raw niya ang swerte ng mga police scalwags na ito.

Sinabi pa ng 54–year old chief, na gagawin niya ang kanyang makakaya upang ipatupad ang kautusan ni Duterte na lutasin ang kriminalidad sa loob ng anim na buwang pangako ni Duterte.

Mensahe naman niya sa mga criminal,,“we will not only crush you, but we will bury you !”

Si De la Rosa ay magugunita na isinailaim sa imbitigasyon ng matataas na opisyal ng Campo Crame matapos akusahan ng partisan politics noong panahon ng kampanya ng mag post ito sa kanyang FB page ng mga papuri kay Duterte.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 19, 2016

You May Also Like