Mula Pilipinas, GF ng gunman sa Vegas massacre nakabalik na ng US

Estimated read time 2 min read

 

 

 

 

Kinumpirma ni Bureau of Immigration Spokesperson Atty. Maria Antonette Mangrobang

na mula sa Pilipinas ay nakabalik na sa Los Angeles sa US si Marilou Danley ang girlfriend

ng gunman sa Las Vegas massacre na si Stephen Paddock .

 

Sakay ng PAL Flight PR102 mula sa NAIA umalis

si Danley dakong alas 9:32 pm at dumating

sa Los Angeles dakong alas 7:32 (US Image may contain: 1 person, smilingtime)

 

Ibinigay na rin ng Bureau of Immigration sa FBI ang lahat ng impormasyon kay Danley.

 

Magugunita na si Danley ay lumipad papuntang Pilipinas noong isinasagawa ni Paddock ang pamamaril sa las Vegas mula sa 32nd floor ng Mandalay Bay Hotel and Casino. Inararo nito ng sunod sunod na putok ng baril ang concertgoers na may 400 yards distance sa ibaba malapit sa hotel

 

Sa latest news umaabot na sa 59 ang patay at 527 ang sugatan.

 

Nakumpirma ng mga pulis na nagpadala pa ng $100,000 ang gunman

sa kanyang GF na si Danley sa isa sa mga bangko sa Pilipinas.

 

Si Danley ang itinuturing na “person of interest”. Iniimbistigahan din ng mga

otoridad kung may alam si Danley sa plano ng kanyang BF.

 

Samantala pinabulaanan naman ng kaanak ni Danley na may alam ito sa planong pamamaril ni Paddock.

 

Isa siyang holder ng Australian passort at taon taon ay pumupunta sa Pilipinas

except noong 2016. Isang “casino hostess” sa Las Vegas. Ipinanganak umano ito sa Pilipinas

 

Image may contain: 1 person, smilingKaugnay nito si Stephen Paddock ay isang dating accountant,

high-profile Las Vegas gambler,

bilyonaryo at malakas tumaya sa casino.

 

Natagpuan ng mga pulis ang 42 guns sa kanyang hotel room at sa kanyang bahay.

Mayroon din itong arsenal.

 

 

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
Octoberber 4, 2017

You May Also Like