“Wala akong ideya sa massacre”—Marilou Danley

Estimated read time 2 min read

 

 

Ipinahayag ni Marilou Danley ang 62-year old GF ni Stephen Paddock, gunman sa Las Vegas massacre na

wala siyang ideya at hindi niya alam na gagawin ng kanyang BF ang trahedya bago pa man siya

pinapunta sa Pilipinas para bisitahin ang kanyang mga kaanak.

 

Ginawa ni Danley ang kanyang salaysay nang makauwi na sa PIlipinas. Hindi kasi siya tinatantanan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagtatanong kung ano ang nagtulak kay Paddock upang gawin ang karumal dumal na krimen.

 

Sa kanyang pag uwi sa Los Angeles, binasa ng kanyang abogado sa labas ng FBI Headquarters ang kanyang statement “He never said anything to me or took any action that I was aware of that. I understood in any way to be a warning that something horrible like this was going to happen”

 

Si Danley ay nag stay sa Pilipinas sa loob ng dalawang linggo. Natuwa umano siya dahil pinadalhan siya ni Paddock ng $100,000 sa pamamagitan ng bangko sa Pilipinas para gamitin ang pera sa pagbili ng bahay para sa kanyang pamilya. Pero natakot siya dahil baka ito na ang paraan para tuluyan nang makipag break sa kanya si Paddock.

 

“It never occurred to me in any way whatsoever that he was planning violence to anyone”

 

Si Danley na itinuturing na “person of interest” ng mga imbistigador ay nagpahayag pa na minahal niya si Paddock dahil sa “mabait ito, mapagmahal at tahimik na lalaki”. Umasa siya na magkakaroon sila ng magandang future.

 

Devastated umano siya sa ginawang krimen ng kanyang BF. Nangako siya na makikipagtulungan sa mga otoridad at malaman kung ano ang pumasok sa isip nito at ginawa niya ang massacre.

 

Ang mga imbistigador ay patuloy na pinag aaralan ang ugali ng suspect, ang mga taong nakapaligid sa kanya pati na ang pag eksamin sa kanyang computer at cellphone.

 

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa matukoy ng mga otoridad kung ano ang motibo sa pagiging berdugo nito bago magpatiwakal.

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
Octoberber 5, 2017

You May Also Like