Lone gunman ng Resorts world attack nakilala na

Estimated read time 2 min read

Image result for jessie javier carlos facebook

 

Nakilala na ang lone gunman sa Resorts World attack. Kinumpirma ni Manila Police Chief Oscar Albayalde ang suspect na si Jessie Javier Carlos, 43 years old, isang Filipino taliwas sa unang balita na ito ay Caucasian dahil sa kanyang hitsura. Dating empleyado ng Department of Finance. Sinibak sa trabaho dahil sa hindi pag deklara ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN)

 

Ang suspect ay nabaon sa utang dahil sa pagkakalulong sa sugal. Matapos ang masusing imbistigasyon, CCTV footage, mga detalye at mga larawan, kinumpirma ito ng mga kaanak. Sila rin ang nagsabi sa mga pulis na matindi ito kung magsugal sa casino.

 

Sa press conference umiiyak ang ina ng suspect at humingi ng paumanhin sa mga kaanak ng mga napatay.

 

Ang suspect ay may tatlong anak at hiwalay sa asawang si Jen Carlos dahil sa lagi umanong pag aaway ng mga ito dahil sa pagsusugal ng suspect. Baon ito sa utang at ipinagbili pa nga ang Ford Ranger dahil sa financial problem. May P4 million pesos na utang sa bangko at iba pang mga pagkakautang

 

Ayon sa mga kapitbahay ng susect, isa itong gun dealer at paminsan minsan ay nagbibitbit ng armas. Pero nagtataka sila sapagkat hindi naman ito troublemaker sa kanilang neighborhood sa Sta Cruz, Manila.

 

Ayon sa barangay kapitan ng kanilang lugar, ang suspect ay kilala bilang generous man, hindi palakibo, may ari ng employment agency, nursery school at laging sponsor sa mga barangay events nila.

 

Noong nakaraang buwan ay ipagbibili sana nito ang kanilang bahay subalit ito pala ay nasa litigation.

 

Myra Revilla
MCBN Correspondent 
June 5, 2017

You May Also Like